Manila, Philippines – Tatlong tindahan ng handicraft at mga Christmas decor ang ipinasara ng Bureau of Intrenal Revenue sa Quezon City.
Ayon kay Director Marina de Guzman, napatunayan nila na hindi nag-iisyu ng opisyal na resibo ang naturang mga tindahan.
Ang operasyon ay nag-ugat matapos aniya na magsagawa ng surveilance ang mga tauhan ng BIR.
Giit pa ni de Guzman, matagal na nilang pinadalhan ng notice ang may ari para mabigyan ng babala ngunit hindi naman nito inaksyunan.
Aniya, malaki ang nawala sa kita ng gobyerno dahil sa hindi tamang deklrarasyon sa buwis ng naturang negosyante.
Tatlo pang sangay nito sa Dapitan arcade ang ipapasara at ang main branch nito sa Novaliches, QC.
Facebook Comments