IPINASILIP | Ilang nilalaman ng federal constitution, ibinahagi ng Constitutional Commission sa publiko

Manila,Philippines – Inilatag ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ang ilang probisyon ng kanilang binuong draft ng Federal Constitution.

Si Puno ang nanguna sa binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na Constitutional Commission na nagaral sa 1987 Constitution at magbalangkas ng bagong saligang batas na naisumite na nila kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Puno na ipinagbawal nila sa kanilang binuong Constitution ang Political Dynasties at mga tinatawag na political butterflies o mga pulitikong paliatlipat lang ng partido sa tuwing nagbabago ang administrasyon.


Sinabi din nito na pinalinaw pa nila ang karapatan ng mga Pilipino sa bill of rights ng kanilang binuong saligang batas.

Ayon kay Puno, batay sa kanilang draft ay kasama na sa bill of rights ang karapatan sa sapat na pagkain, comprehensive health care, complete education, disenteng housing at livelihood at employment opportunities.

Babalansehin narin sa kanilang draft ng constitution ang pribadong sektor upang maiwasan ang pagabuso ng nga ito sa pamamagitan ng monopoliya ng negosyo kaya naman magtatatag ng isang competition commission na magbabantay sa mga ito.

Kikilalanin din aniya ng kanilang binuong Constitution ang kultura, relihiyon, traditions, lenguahe at kakaibang katangian ng ating mga kapatid sa Cordillera at Bangsamoro.

Facebook Comments