IPINATATALAG | Pagkakaroon ng mental health program sa PNP, isinusulong ng isang kongresista

Manila, Philippines – Ipinalalatag ni House Committee on National Defense Vice Chairman Ruffy Biazon sa Philippine National Police ang pagkakaroon ng mental health program sa buong pwersa nito.

Ang rekomendasyon ay kasunod ng ginawang pananampal ng isang bagitong pulis sa driver ng bus na umani ng pagbatikos mula sa publiko.

Paliwanag ni Biazon, hindi sapat ang psychological tests na pinagdadaanan ng aplikante sa pagka-pulis bago sila mapasama sa PNP.


Aniya, mahalaga na matiyak na hindi lamang physically fit kundi mentally prepared din sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin ang mga nagiging pulis.

Mahalaga aniyang tuluy-tuloy na pinangangalagaan ang mental health ng mga pulis lalo pa at matindi ang stress at pressure na nararanasan ng mga ito sa trabaho.

Facebook Comments