Ipinataw na contempt kina Alice Guo, Casssandra Ong at Tony Yang, binawi na ng House Quad Committee

Binawi na ng House Quad Committee ang ipinataw nitong contempt kina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, Cassandra Ong ng Lucky South 99, at negosyanteng si Tony Yang.

Bunsod nito ay makakalaya na si Ong na ipinakulong ng Quad Committee sa Correctional Institute for Women o CIW sa Mandalauyong at sinasabing dumaranas ng depression.

Si Guo naman ay nakakulong na sa Pasig City Jail at may kinakaharap na kasong criminal.


Si Yang ay nasa kustodiya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, at may kaso ring kinakaharap at nabatid ng komite na ito ay may sakit at naka-confine sa isang ospital sa Taguig.

Binawi na rin ng Quad Committee ang contempt order kay Police Maj. Leo Laraga alang-alang sa diwa ng Pasko.

Si Laraga ay pinakulong ng Quad Committee dahil sa tingin nila ito ay nagsisinungaling kaugnay sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulungan.

Facebook Comments