Ipinataw na demotion at suspension sa grupo ni Supt. Marcos, hindi matukoy ng PNP IAS kung naipatupad ng DPRM

*Manila, Philippines – *Hindi ngayon matukoy ng PNP Internal affairs Service kung naipatupad na ang kanilang rekomendasyong sanctions sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at bilanggong si Raul Yap.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty Alfegar Triambulo buwan pa lamang ng Marso ay naisumite na nila sa tanggapan ni PNP Chief Dir Gen Ronald Dela Rosa ang resulta ng imbestigasyon maging ang rekomedasyong sanctions.

Sa kaparehong buwan ay agad daw nagdesisyon ang PNP chief sa mga kasong ito at ipinadala sa tanggapan ng Directorate for Personnel Records Managemet (DPRM) para ipatupad ang penalty nila Marcos.


“Ang entire case folder ng kaso nila Marcos was submitted to the CPNP last March at on the same month binaba ang decision ni CPNP sa DPRM para ma-implement ang mga penalty nila Marcos” text message ni Atty Alfegar sa DZXL RMN Manila.

Sa ngayon nasa DPRM na aniya ang desisyon at sila na ang bahalang magpatupad nito.

Problema raw ngayon ni atty alfegar hindi sila inaabisuhan ng tanggapan ng DPRM kung naipatupad o hindi ang kanilang rekomendasyong inaprobahan ni PNP Chief.

“Ang DPRM ang tanungin nyo Mam, yan ang aming problema sa office na yan, hindi kami ina-update kung na-implement ba or hindi ang mga kasong admin ng pulis galing sa IAS” text message ni atty alfegar sa DZXL RMN Manila.

Ang DPRM din aniya ang nakakaalam kung naghain ng motion for reconsideration o nag apela ang grupo ni Supt. Marcos.

Sa patakaran aniya dapat pagkatapos na matanggap ng akusado ang desisyon bibigyan sya ng sampung araw para makapag-apela ngunit kung hindi ito nacomply sa loob ng sampung araw tuluyan ng ipapatupad anng desisyong demotion at suspension.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments