IPINATAWAG | Jeepney modernization, pag-uusapan sa Senado

Manila, Philippines – Ipatatawag ng Senado ang mga kinatawan ng pamahalaan at transport groups kaugnay sa isyu ng jeepney phase out.
Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe, layunin nito na alamin ang mga balak ng pamahalaan sa jeepney modernization program at ilang usapin sa transportasyon.
Hinimok din ng senadora ang grupong PISTON na dumalo para pag-usapan ang mga isyu imbes na magsagawa ng kilos protesta.
Nakatakda ang pagdinig sa Huwebes, December 7.

Facebook Comments