Manila, Philippines – Ipinatitigil si Janet Lim-Napoles na mag-demand na mailipat sa kustodiya ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.
Sa manifestation na isinumite ng DOJ sa Sandiganbayan, bagamat may provisional coverage sa WPP si Napoles, maituturing pa rin itong pending dahil sasailalim pa ito sa evaluation.
Ibig sabihin hindi pa kumpleto ang requirement nito para mabigyan ito ng protection sa ilalim ng Witness Protection Security and Benefit Act.
Batay sa implementing rules and regulation ng WPSB ACT, hindi maaring ilagay sa custody ng WPP ang isang testigo na `under detention`.
Kapwa ibinasura na rin ng 5th at 1st division ang hiling ni Napoles na mapasailalim sa WPP.
Facebook Comments