Ipinatupad na ECQ sa Metro Manila, gumagana na – NTF Against COVID-19

Gumagana ang ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, maiuugnay ang pagbaba ng bagong kaso kahapon sa umiiral na ECQ sa NCR.

Paliwanag kasi ni Herbosa na mararamdaman lamang ang epekto ng ECQ makalipas ang sampung araw tulad ng mga naunang ipinatupad na ECQ sa bansa.


Tinukoy naman ni Herbosa na malaking tulong ang pagbabakuna sa pagkontrol sa pagkalat ng kaso ng COVID-19.

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) kahapon ng 11,085 panibagong nahawa sa sakit na sumampa na ngayon sa 1,776,495.

Facebook Comments