Lumabas na epektibo ang pagpapatupad ng granular lockdown sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Chua, nakabase ito sa mga datos mula sa mga lokal na pamahalaan.
Nakapaloob dito na bumaba ang kaso ng COVID-19 na naitatala dahil sa kakaunting restriksyon na ini-aplay ng pamahalaan.
Maituturing namang mabisa ang paghahanap sa pinanggalingan ng kaso para sa implementasyon ng country o regional lockdown.
Sa ngayon, muling nanindigan ang NEDA Chief na hindi solusyon ang lockdown dahil nadagdagan lamang ang bilang ng mga nagugutom.
Facebook Comments