Ipinatupad na interest rate hike ng BSP, hindi epektibong solusyon upang labanan ang inflation rate – ayon sa isang ekonomista

Naniniwala ang isang ekonomista na hindi epektibong solusyon ang pagtaas ng policy rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang labanan ang mataas na inflation rate ng bansa.

Ang policy rate ay ang batayan ng mga bangko sa pagpataw ng interes sa mga pautang at savings o impok na pera.

Sinabi ni Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ekonomista na si Emmanuel Leyco, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay epekto ng kakulangan sa suplay nito at hindi dahil sa malaki ang demand para rito.


Kaya suhestiyon ni Leyco na siguraduhing sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin dahil posibleng magpatuloy ang mataas na inflation sa bansa kung hindi ito matutugunan.

Samantala, iginiit ng BSP na hindi lamang ang pagtaas ng policy rate ang kanilang nakikitang solusyon para labanan ang inflation.

Kabilang dito ang panawagan nila ng kabuuang pagkilos ng gobyerno sa pagresolba ng problema ng suplay na nagpapataas ng presyo.

Facebook Comments