IPINATUPAD NA | Online application para sa travel clearance for minors, binuksan na ng DSWD

17

Manila, Philippines – Ipinatupad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang online application para sa travel clearance ng mga menor de edad na bibiyahe abroad.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, sa pamamagitan ng online application ay mababawasan na ang pagpoproseso ng certificates.

Available na ang online application sa Metro Manila, Central Visayas at Davao Region.

Ang online application ay para sa registration, licensing at accreditation ng social welfare and development agencies.

Sa pamamagitan nito, hindi na kinakailangan ng publiko na isumite ang kanilang applications ng personal at maari na lamang i-access ang online program sa official website ng ahensya: www.dswd.gov.ph/eservices.

Facebook Comments