IPINATUPAD NA PRICE FREEZE, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG DTI PANGASINAN

Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang presyo at suplay ng mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) ngayong ipinapatupad ang price freeze dahil sa mga nagdaang bagyo at malalakas na pag-uulan.

 

Base sa monitoring ng tanggapan, wala naman nakitaan ng paglabag sa nakataas na patakaran at nananatili ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

Tinitiyak din na sapat ang suplay ng mga ito na magtatagal ng dalawa hanggang tatlong linggo.

 

Muli rin ipinabatid ng DTI ang mga establisyimento ukol sa pagsunod sa fair trade laws at 60-day price freeze sa ilalim ng Price Act (RA 7581) habang magpapatuloy ang monitoring sa mga presyo upang maiwasan ang overpricing at hoarding ng mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments