Ipinatupad na travel ban sa apat pang bansa dahil sa COVID-19, magkakabisa na simula ngayong araw ayon sa BI

Kinumpirma ngayon ng Bureau of Immigration na simula ngayong araw hindi na rin papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga turista mula sa apat pang bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ipinatupad na ang temporary travel ban sa bansang Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.

Alinsunod ito sa utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na inaprubahan ng Malacañang.


Samantala, ang mga manggagaling sa mga bansa na classified bilang green at yellow lists ay maaaring payagan na makapasok sa bansa pero sasailalim sa quarantine at testing protocols ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Paliwanag pa ni Morente, nanatiling in effect ang general travel restrictions at tanging mga Pinoy balikbayan at foreigner na may valid visa lang ang papahintulutang makapasok sa bansa.

Ang temporary travel ban sa apat na bansa ay tatagal hanggang September 30 ngayong taon.

Facebook Comments