Ipinatupad na walong oras na “Humanitarian Ceasefire” sa Marawi City, wala nang balak pang palawigin ng AFP

Marawi City – Wala ng balak ang Armed Forces of the Philippines na palawigin ang ipinatupad nilang walong oras na “Humanitarian Ceasefire” sa Marawi City.

Nagsimula ito kaninang alas-6:00 ng umaga at nagtapos naman kaninang alas-2:00 ng hapon.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, may mga misyon silang dapat tapusin kaya hindi dapat maantala ang kanilang operasyon para tuluyan ng malinis ang marawi mula sa Maute Terror Group.


Sabi pa ni Padilla, sapat na ang oras na kanilang ibinigay bilang pagrespeto sa paggunita ng mga kapatid nating Muslim na ipagdiriwang ang Eidl Fitr.

Naging maayos naman ang ipinatupad na humanitarian pause.

Samantala, sinabi ni 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera na ang walong oras na humanitarian pause ay pagkakataon din para ma-rescue ang mga sibilyan na hanggang ngayon ay nata-trap sa war zone.

Facebook Comments