Ipinaubaya na lang ng Palasyo ng Malacañang sa Korte Suprema ang issue ng inihaing petisyon kaugnay sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Matatandaan na humingi ang Philippine Constitution Association o Philconsa ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema para hindi maipatupad ang Executive number 120 na lumilikha sa Bangsamoro Transition Commission.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang Korte Suprema na ang bahala sa mga inihaing petisyon at hindi na sila magbibigay ng anomang komento ukol dito.
Paliwanag ni Panelo, dahil nasa korte na ang usapin ay hindi na sila dapat magbigay ng anomang pananaw.
Matatandaan na bukod sa Philconsa ay naghain din ng petisyon si Sulu Governor Abdusakurtan na kumukwestiyon sa legalidad ng Bangsamoro Organic Law (BOL).