IPINAUBAYA | Pagdedeklara ng kanselasyon ng pasok sa trabaho, lokal na pamahalaan na ang bahala ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Ipinaubaya nalang ng Palasyo ng Malacañang sa mga lokal na Pamahalaan ang pagdedeklara ng work suspension sa harap narin ng inaasahang paghagupit ng bagyong Ompong.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, inaasahan na nilang magiging localized na ang pagdedesisyon sa kanselasyon ng mga trabaho lalo na sa mga lugar na talagang dadaanan ng bagyo.

Nanawagan din naman si Roque sa mamamayan na patuloy na maghanda sa paparating na sama ng panahon dahil sa lakas ni Ompong at inaasahang palalakasin pa nito ang habagat na tiyak na magdadala ng malalakas na pagulan.


Una narin namang tiniyak ng Malacañang na hangang handa na ang National Government sa paparating na bagyo at lahat ng kakalilanganin ng gobyerno para matulungan ang mga masasalnta ng bagyo ay nakahanda lalo na ang mga relif goods at mga gamot.

Facebook Comments