IPINAUBAYA | Pagsasailalim sa drug testing ipinaubaya na sa mga national position candidates

Manila, Philippines – Ipinaubaya na ng Palasyo ng Malacañang sa mga kumakandidato sa national position kung boluntaryong sasailalim ang nga ito sa drug test.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mayroon nang desisyon ang Korte Suprema na hindi maaaring gawing mandatory sa mga tumatakbo sa national position tulad ng pagka-senador ang pagsasailalim sa mandatory drug testing dahil hindi naman ito kasama sa mga nakasaad sa saligang batas.

Pero sa mga tumatakbo naman aniya sa lokal na pamahalaan ay kailangang sumailalim ang mga ito sa mandatory drug testing.


Sinabi ni Panelo, bahala na ang taumbayan na humusga sa mga kandidatong hindi sasailalim sa voluntary drug testing dahil sakaling umayaw ang isang kandidato sa drug testing ay siguradong magdududa ang mga botante dito.

Paliwanag ni Panelo, posibleng mayroong itinatago ang isang kandidato kung hindi ito sasailalim sa voluntary drug testing.

Facebook Comments