IPINAUBAYA | Pagsibak sa 4 na ERC commissioners, nasa kamay na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Ipinauubaya na lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na pagsibak sa apat na commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na naunang sinuspinde ng Ombudsman dahil sa pagpabor sa electric utility na Manila Electric Company.

Sa isang presscon, sinabi ni ERC chairman Agnes Devandera na si Pangulong Duterte lamang ang maaring maglabas ng kautusan dahil ito ang appointing authority.

Pero sa ngayon, hindi muna papayagan ni ERC chairman Agnes Devandera sina Commissioners Gloria Victoria Yap-Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Magpala-Asirit at Geronimo Sta. Ana na dumalo sa mga commission hearing ng ERC.


Aminado si Devanadera na makaapekto ito sa pending cases na nakahain sa opisina ng ERC.

Kung matatagalan ang desisyon ng sangay ng Ehekutibo ay maantala ang function ng ahensya.

Sa pasiya ng Ombudsman, pinaboran ng ERC ang Meralco at ibang power utilities nang isantabi nito ang pagsasagawa muna ng competitive selection process para sa power supply requirements.

Facebook Comments