IPINRISINTA | Proposed 2019 national budget, ipinrisinta sa Senado ng economic managers

Manila, Philippines – Ipiniprinsta ngayon sa Senado ng Development Budget Coordination Committee o DBCC ang panukalang 2019 national budget na nagkakahalaga ng 3.8-Trillion pesos.

Lumalabas sa presentation ng economic managers ng administrasyon na pinakamalaki o 31.5 percent ng pambansang budget o mahigit P1.18-Billion ay ilalaan sa personnel services.

Sunod dito ang capital outlays ng bansa na pinaglaanan ng 20.2 percent ng panukalang budget o mahigit 758 billion pesos.


Nangunguna naman ang Department of Eduction sa mga ahensya na binigyan ng pinakamalaking pondo, kasunod ang Dept. of Public Works and Highways, Dept. of Interior and Local Government, Dept. of National Defense, at Dept. of Social Welfare and Development.

Ayon kay Budget Secretray Benjamin Diokno, bubuhusan din ng pondo sa susunod na taon ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay, gayundin ang flood control projects, pagpapatayo ng mga eskwelahan, irigasyon, railways at ang water and power supply system.

Ipinagmalaki din ni Finance Secretary Sonny Dominguez na tumaas ng 13.1 percent ang koleksyon ng bureau of internal revenue habang 15.6% naman ang itinaas sa koleksyon ng bureau of Customs.

ayon kay dominguez, umabot sa P33.7-Billion ang nakolekta ng pamahalaan dahil sa Tax Reform for Accelertion and Inclusion o TRAIN law.

Facebook Comments