Umabot na sa spilling level ang Ipo Dam na hudyat para sa mga awtoridad na magpakawala ng tubig simula ngayong araw.
Sa huling monitoring, ang lebel ng tubig sa dam ay nasa 101.06 meters kung saan nasa 101 meters ang spilling level ang dam.
Aabot sa 47 cubic meters per second ang ipapakawala nilang tubig sa Ipo Dam.
Ang mga residenteng nakatira malapit sa mabababang lugar at sa mga komunidad malapit sa Angat River lalo na sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy ay pinag-iingat at pinaaalerto sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig sa kanilang lugar.
Facebook Comments