Manila, Philippines – Kinumpirma ng hydrology division ng PAGASA na nasa kritikal na istado ang level ng tubig sa Ipo Dam.
Anila, ito ay dahil sa malaki ang naging epekto ng ilang araw na halos walang patid na pag-buhos ng ulan na dala ng hanging habagat at pinalakas pa ng bagyong Gorio.
Ayon kay Richard Orendain isang hydrologist, nasa kritila na level na ngayon ang Ipo Dam.
Bukod dito binatantayin na rin ang Magat Dam dahil malapit na ito sa spilling elevation na 190 meters.
Tuwing nagpapakawala ng tubig ang mga dam, perwisyo ang dulot nito sa mga residente , pag mahal ng bilihin, pag kansela ng mga klase, at peligro sa kalusugan dahil sa maduming baha.
Ayon naman sa PAGASA, sa Lunes pa makakaranas ng magandang panahon ang kanlurang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Samantala dahil sa hanging habagat na pinalakas pa ng bagyong Gorio may pagbaha parin sa ilang bahagi ng Quezon City kabilang na ang Amoranto , brgy. Sto. Domingo at kalapit na lugar.