IPO requirement sa EPIRA, dapat alisin para lumawak ang merkado sa sektor ng enerhiya

Ipinanukala ni Senador Win Gatchalian ang pagtanggal ng probisyon sa Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA Law na nag-uutos sa mga Generation Companies (GenCos) na magsagawa ng Initial Public Offering o IPO.

Layunin ng mungkahi ni Gatchalian na makahikayat ng mga mamumuhunan sa paggawa o paghahanap ng mapagkukunan ng suplay ng kuryente upang mapunan ang tumataas na pangangailangan natin sa susunod na dalawang dekada.

Giit ni Gatchalian, ang inisyal na layunin ng public offering requirement para sa mga GenCos sa ilalim ng EPIRA ay wala ng katuturan sa ngayon bunsod ng mga pagbabagong naganap sa sektor ng enerhiya.


Giit ni Gatchalian, na syang Chairman ng Committee on Energy, kailangang tanggalin ang naturang requirement dahil nagiging balakid lamang ito sa paglago ng industriya.

Facebook Comments