*Ilagan City* – Pagmamalaki at panghihinayang. Ito ang magkahalong nararamdaman ngayon ng buong kapulisan ng Isabela Police Provincial Office(IPPO) sa kanilang kasamahang napatay sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng organized hold up and robbery group kahapon ng hapon.
Ayon kay PNP PD PCOL Mariano Rodriguez ng IPPO, sa kabila ng matagumpay na operasyong isinagawa ng Ramon MPS sa pangunguna ni PCAPT. Abdel Maximo, hepe ng PNP Ramon ay nagluluksa ngayon ang buong kapulisan ng lalawigan sa pagkawala ni PSSg Richard Gumarang.
Si Gumarang ay sa sa matapang na pumuwesto sa harapan para harangin ang pulang Toyata Innova na ginamit na getaway vehicle ng mga holdader. Sa pakikipagpalitan ng bala mula sa mga kawatan, tinamaan sa kilikili se Gumarang. Naitakbo pa sa hospital ang pulis ngunit idineklaraang patay habang nilalapatan ng lunas.
Nagpahayag din ng pakikiramay at pagsaludo sa PNP Ramon Isabela si PRO2 RD PBGEN MARIO ESPINO. Ayon sa Regional Director, ang kabayanihan ni Gumarang ay ang pinakamataas na sakripisyo na tanging matapang na bayani ang kayang mag alay.
tag: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP Ramon, IPPO, engkwentro, pnp region 2, P/Brigadier General Jose Mario Espino, gumarang, PNP PD PCOL Mariano Rodriguez, PCAPT. Abdel Maximo, LGU Ramon