IPPO, NAGSAGAWA NG SIMULATION EXECISE; 3-5 MINUTES RESPONSE TIME, PINALAKAS

Cauayan City – Matagumpay na isinagawa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang isang malawakang Simulation Exercise (SIMEX) upang subukin ang kahandaan ng mga istasyon ng pulisya sa pagtugon sa loob ng 3–5 minutes response time.

Bahagi ito ng direktiba ni Chief PNP, Police General Nicolas D. Torre III, na layong pag-igtingin ang mabilis at epektibong serbisyong publiko.

Sa pangangasiwa ng Regional Tactical Operations Center (RTOC) sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rufina B. Balano, at aktibong partisipasyon nina Police Colonel Lee Allen B. Bauding, Police Lieutenant Colonelnesis C. Cabacungan, Police Lieutenant Colonelcardo B. Salada, at Police Captainnold Nixon C. Sarangay, sinalihan ang ehersisyo ng iba’t ibang city at municipal police stations, kasama ang mga tactical units.

Ipinamalas ng Jones Police Station ang 2 minutong tugon sa insidenteng Robbery-Hold-up (Alarm 120), habang nakapagtala ng isang minutong tugon ang Echague Police Station sa isang Shooting Incident (Alarm 166).

Bukod sa bilis ng tugon, sinubok din sa SIMEX ang kakayahan sa pag-set up ng chokepoints, dragnet operations, at flash alarm relay sa karatig na mga istasyon.

Ayon kay Police Colonel Bauding, layon ng aktibidad na patatagin ang koordinasyon at kahandaan ng mga pulis upang mas mapabilis ang pagresponde at masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments