Inimbitahan ng Iran Government si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa kanilang bansa.
Ayon sa Malacañang, ang imbitasyon ay ipinadala ng bagong ambassador ng Iran sa Pilipinas na si Alireza Tootoonchian na nagprisenta ng kanyang credentials kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng video conference call.
Umaasa si Iranian President Hassan Rouhani na makakabisita ang Pangulo sa kanilang bansa.
Binanggit din na mayroong “special standing” ang Pilipinas sa Iran dahil sa ipinapatupad nitong independent foreign policy lalo na sa ilalim ng Duterte Administration at adbokasiyang panatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng mga mamamayang may iba’t ibang paniniwala.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte si Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei sa pagbibigay ng pardon sa isang Pilipinong nadetine sa Iran.
Kumpiyansa si Pangulong Duterte na magkakaroon ng matibay na bilateral ties lalo na sa siyensya at teknolohiya, at people-to-people exchanges.
Samantala, tinanggap din ni Pangulong Duterte ang credentials ng mga bagong ambassador ng Palestine, New Zealand, Canada at Vietnam.