Iran – Patuloy na gagawa ng mga missiles ang Iran sa kabila ng pagtutol ng United States of America.
Ayon kay Iran President Hassan Rouhani, hindi sila mapipigilan ng paggawa ng nasabing mga missile dahil hindi daw ito labag sa nuclear deal.
Sa ginawang talumpati ni Rouhani, tila kinuwestiyon pa niya ang kredibilidad at ang reliability ng U.S. kung saan hindi daw ito seryoso sa mga mahahalagang usaping pang-international.
Nauna rito sinabi ni President Donald Trump na ang Iran nuclear deal ay isang pinaka-masama at one-sided na transactions kaya’t nais niya itong itigil na.
Facebook Comments