IRAN NUCLEAR DEAL | U.S. Pres. Trump, nagbabala sa mga bansang makikipag-ugnayan sa Iran

Amerika – Nagbabala si U.S. President Donald Trump sa mga bansang mamumuhunan sa Iran.

Nabatid na nagpatupad ng sanctions ang U.S. sa Iran kasunod ng pagkalas ng U.S. sa joint comprehensive plan of action o kilalang Iran nuclear deal.

Ani Trump, walang makukuha na anumang negosyo mula sa kanilang bansa ang sinumang bansa na makikipag-ugnayan sa Iran.


Tinawag namang “psychological warfare” ng Iran ang banta ni Trump na layong pagwatak-watakin ang mga Iranian.

Facebook Comments