Iranian na nanakit ng pulis, maaari pa ring maharap sa immigration case

14

ORIENTAL MINDORO – Maaari pa ring mapa-deport o ma-blacklist ng Bureau of Immigration ang babaeng Iranian na nanakit ng pulis sa Puerto Galera.

Sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval na naisumite na sa legal division ng BI ang impormasyon kaugnay ng pagwawala ni Fereshteh Marboyeh at paghuhubad sa pampublikong lugar, nang malasing ito sa Puerto Galera.

Ayon kay Sandoval, naka-depende pa rin sa magiging desisyon ng BI Legal Division kung mahaharap sa immigration case na maaring humantong sa deportation o pagka-blacklist ni Marboyeh.

Una nang iniurong ng pulis na sinaktan at pinaso ng sigarilyo ang criminal complaint laban kay Marboyeh na sinasabing mayroong bipolar disorder.

Facebook Comments