Iraq, umapela sa Pilipinas na alisin na ang deployment ban sa mga manggagawang Pilipino

Nanawagan ang Iraq sa Pilipinas na alisin na ang deployment ban sa mga manggagawang Pilipino dahil bumubuti na anila ang sitwasyon sa seguridad sa kanilang bansa.

Sinabi ng Iraqi Deputy Minister of Health Khamees Hussein Ali na nangangailangan sila ng Filipino workers partikular ang Pinoy nurses.

Iniimbitahan din ng Iraq ang mga opisyal ng Pilipinas na bumisita sa kanilang bansa para sila na mismo ang mag-assess sa sitwasyon doon.


Inirekomenda rin ng Iraq ang pag-renew ng 1982 Memorandum of Agreement para sa mobilisasyon ng mga manggagawa Pilipino sa kanilang bansa.

Sa ngayon, ang Iraq ay nasa ilalim ng Alert Level 3 kung saan nagpapatupad pa rin ang Pilipinas ng voluntary repatriation at deployment ban sa mga manggagawang Pinoy.

Facebook Comments