Mosul – Dinalaw ni Iraqi Prime Minister Haider Al-Abadi ang mosul para batiin ang Iraqi forces sa kanilang tagumpay laban sa Islamic State militants.
Ibig sanihin nito aniya, bahagya nang makakakilos ang mga residente sa lunsod dahil iilang lugar na lang ang kontrolado ng IS militants.
Matatandaang noong October 2016 pa nakikipaglaban ang Iraqi forces kasama ang US-led air strikes para mabawi ang Mosul.
Maliban sa is kasama rin ang Kurdish Peshmerga fighters, Sunni Arab Tribesmen at Shia Militiamen na nakikipagbakbakan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments