Manila, Philippines – Mino-monitor ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtalima ng Dimple Bus Transport na hanapan ng masasakyan ang mga bakasyunista na una nang nakakuha ng ticket sa Dimple Star bus para makapagbiyahe sa mga lalawigan ngayong Holy Week.
Ito ay matapos na tuluyan nang suspendihin ng LTFRB ang operasyon ng lahat ng 118 units nito habang isinasailalim sa imbestigasyon.
Sinabi ni LTFRB Board member Atty.Aileen Lizada, nakatutok ang board sa compliance ng Dimple Star bus para ma refund ang lahat ng pamasahe ng naka booked nang pasahero o di kaya ay mahanapan ng ibang bus company para maisakay ang mga ito.
Sa Araneta Bus terminal sa Cubao dagsa na ang kumukuha ng Refund.
May special arrangements na rin ang Dimple Bus Management sa ibang bus company para saluhin ang mga apektadong pasahero na biyaheng Iloilo.
Kagabi sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP sa Kampo Crame ang operator ng Dimple Star bus.
Ito ay matapos ipag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng rekomendasyon na tuluyan nang pagkansela sa prangkisa ng Dimple Star bus.
Samanatala, sa kabuuang 440 application ng mga bus operators na humingi ng special permit para makapagbiyahe sa iba’t-ibang ruta ngayong Semana Santa, 1,036 bus units ang pinal nang inaprobahan ng LTFRB.
Ito ay mula sa Bicol Region, Mindanao, North Luzon, Southern Luzon at Visayas Region.