Iregularidad sa NFA, ikinadismaya ng ilang mga mamimili sa palengke sa QC

Dismayado ang ilang mamimili at may pwesto sa Muñoz Market sa mga naglulutangan na iregularidad sa National Food Authority (NFA).

Ito ay makaraang sumambulat ang isyu na napunta lang sa dalawang rice traders ang 75,000 na sako ng bigas na ibinenta sa halagang ₱25 kada kilo.

Kasunod nito, kahapon pinatawan ng preventive suspension si NFA Administrator Roderico Bioco at 138 na opisyal at empleyado.


Ayon sa ilang mga mamimili marami sa mga kababayan natin ang naghahanap ng murang bigas lalo na ang mga Pilipinong walang pagkakikitaan at hirap sa buhay.

Mabibili lamang ang pinakamurang bigas sa Munoz Market sa halagang ₱51 kada kilo kung saan malaking bagay umano kung ang ₱25 kada kilo ay naibenta sa taumbayan na mas makikinabang sa supply ng NFA.

Facebook Comments