Lumabas sa pagsisiyasat ng DOJ panel of prosecutors na nalabag ng grupo ni dating Health Sec. Janette Garin sa pagbili ng Dengvaxia vaccine ang Universally Accessible Cheaper and Quality Act of 2008
Ayon sa panel, wala ang Dengvaxia sa listahan ng Philippine National Drug Formulary o PNDF
Sa ilalim anila ng Republic Act 9502, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili ng mga gamot na wala sa listahan ng Philippine National Drug Formulary.
Sinabi pa ng panel na kapag ang gamot na bibilhin ng gobyerno ay wala sa listahan ng PNDF, kailangan aniya ng pag-apruba ng Formulary Executive Committee lalo na anila kapag may agarang pangangailangan sa gamot.
Lumalabas na ang purchase request sa Dengvaxia vaccine ay ginawa noong January 2016 at ang aktwal na pagbili ay ginawa agad noong March 2016.
Si Garin at labing-siyam na iba pa ay pinakakasuhan ng DOJ ng reckless imprudence resulting in homicide.