Manila, Philippines – Naglabas ng dagdag na ebidensya si Senate Majority Leader Tito Sotto hinggil sa iregularidad noong 2016 elections. Sa kanyang pangalawang privilege speech, ipinunto ni Sotto ang kaniyang mga kwestyon sa Commission on Election (COMELEC) at Smartmatic. Una ay ang final testing at sealing ng vote counting machines na nangyari noong Mayo 8 at Mayo 9, 2016 na dapat ay nangyari ng Mayo 2 at Mayo 6 base resolusyon sa COMELEC en banc session. Ikalawa ay ang pagkakaroon ng foreign access sa resulta ng naganap na eleksyon tulad nang nabanggit ni COMELEC Spokeman James Jimenez. Ang pangatlo ay ang pagkakaroon ng higit pa sa dalawang queuing servers at ang huli ay ang hindi pagkaka-transmit electronically ng 3.86 percent ng election returns na kumakatawan sa 1.7 milyong boto. Giit ni Sotto napakahalaga nito para sa mga nakabinbing electoral protests sa posibilidad na magbago pa ang bilang ng mga boto. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
IREGULARIDAD | Senate Majority Leader Tito Sotto, naglabas ng mga bagong ebidensya
Facebook Comments