IREREKOMENDA | Impeachment Complaint laban kay dating CJ Sereno sa Kamara, ibabasura na

Manila, Philippines – Irerekomenda na ng House Committee on Rules sa plenaryo ang dismissal ng impeachment case na inihain laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagbabalik sesyon sa July 23.

Ito ay kaugnay sa final and executory decision ng Korte Suprema sa quo warranto case laban kay Sereno.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, irerekomenda na nila ang pagbasura ng reklamo laban kay Sereno dahil maituturing nang moot and academic ang impeachment complaint laban sa dating Punong Mahistrado.


Aniya, hindi na public officer si Sereno kaya wala nang dahilan ang Kongreso na patalsikin ito.

Kung wala na aniyang impeachable officer, wala na ring mangyayaring impeachment proceedings sa Kamara at Senado.

Samantala, hinikayat naman ni Speaker Pantaleon Alvarez na irespeto ang naging desisyon ng Korte Suprema bilang final arbiter ng mga legal at constitutional cases.

Facebook Comments