IREREKOMENDA | Pagkalas ng Pilipinas sa IPU, irerekomenda ni Speaker Arroyo

Manila, Philippines – Irerekomenda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa buong Kongreso ang pagkalas ng Pilipinas sa pagiging miyembro nito sa Geneva-Base Inter-Parliamentary Union (IPU).

Ito ay dahil sa pangingialam ng IPU sa political affairs sa bansa.

Ayon kay Arroyo – inirerekomenda niya sa Senado na siyang namumuno ng delegasyon ng Pilipinas na umalis na sa pagiging miyembro ng IPU.


Nabatid na magpapadala ang IPU ng kinatawan sa Pilipinas para silipin ang alegasyong sina Senadora Leila De Lima at Senador Antonio Trillanes ay inuusig ng Duterte administration.

Facebook Comments