Manila, Philippines – Dapat ilagay sa tamang lugar ang nangyayaring iringan kay Pangulong Rodrigo Duterte, Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio-Morales hinggil sa isyu ng anomalya at katiwalian.
Kasunod na rin ito ng hamon ng pangulong duterte kina Sereno at Morales na sabayan siya sa pagbibitiw sa pwesto.
Para sa political analyst na si Ramon Casiple, maaring kalaban lamang sa politika ng pangulo ang nasa likod nito.
Ayon kay Casiple, dapat lang din sagutin ni Duterte ang mga akusasyon laban sa kanya pero dapat niyang iprayoridad ang kanyang trabaho bilang pangulo ng bansa.
Anya, hindi rin kasi matatapos ang mga usapin dahil may kanya-kanyang argumento ang magkabilang panig.
Payo nito, huwag masyadong seryosohin ng publiko ang mga ganitong bagay dahil ang mga sangkot lamang sa isyu ang nagpe-personalan.
Iringan nina P-Duterte, Chief Justice Sereno at Ombudsman Morales, dapat ilagay sa tamang lugar
Facebook Comments