Irish national, inireklamo ng pangingikil ang Pinay na nakatalik

397

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae sa Makati City matapos ireklamo ng pangingikil ng isang Irish national na nakatalik.

Kuwento ng Irish, matapos ang gabing may nangyari sa kanila ng suspek na kinilalang si Marilyn Mamucod, nagsimula na itong manghingi ng pera sa kaniya.


Binabantaan pa aniya siya ng Pinay na isusumbong sa asawang dayuhan kung hindi ito bibigyan ng pera.

Oktubre nang dumating sa Pilipinas ang biktima at nakilala sa internet si Mamucod, na kalaunan ay nakamabutihan at nakatalik niya.

Nagsimula raw sa P10,000 ang hinihingi ng Pinay hanggang sa palaki nang palaki ang halaga.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang sa kaniya at sinabing nangako ang dayuhan na magbibigay ng tulong pinansyal sa kanya.

Facebook Comments

From Advertisers