Ironclad na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, muling pinagtibay

Muling iginiit ng Amerika ang kanilang ironclad commitment sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT).

Kasunod ‘yan ng pag-uusap sa telepono nila US Secretary of Defense Lloyd Austin III at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. tungkol sa pinakahuling insidente sa pagitan ng China at Pilipinas sa Ayungin Shoal noong June 17.

Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, binigyan-diin nila ang pagpapalakas ng alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas upang suportahan ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific.


Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa mga “like-minded partners” upang mapalakas ang kakayahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at mag-invest sa U.S. rotational force posture sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Inaasahan din ang pakikiisa ng 2 magka alyadong bansa sa Two-Plus-Two (2+2) Defense and Foreign Affairs Ministerial Consultations sa susunod na buwan.

Facebook Comments