Manila, Philippines – Plano ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na magpatawag ng pagdinig sa susunod na linggo para busiiin ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Anti-Distracted Driving Act.
Ito ay para malinawan kung ano ba talaga ang ipinagbabawal ng batas na nakaka distract o makakaapekto sa pagmamaneho.
Ayon kay Poe, intensyon ng batas na ipagbawal ang paggamit ng cellphone o anumang electronic gadgets na makakaagaw sa paningin ng driver sa kalsada at maaring maging sanhi ng aksidente.
Pero ang problema ayon kay, sa IRR na inilabas ng Department of Transportation ay lumabis ang mga ipinagbabawal na sinakop na pati ang rosaryo, air freshener at anupamang nasa dashboard ng sasakyan.
Samantala, inihain naman ngayon ni Senator JV Ejercito ang Senate Resolution No. 386 na nagpapasuspinde pansamantala sa Anti-Distracted Driving Act para bigyang pagkakataon ang pagbusisi sa IRR nito.
Sinuportahan naman ito ni Senate Majority Leader Tito Sotto III sa pagsasabing hindi lahat ng nasa dash board ng sasakyan o harapan ng driver ay kailangang tanggalin.
Halimbawa daw sa kanyan sasakyan na ang navigator ay naka “heads up display” pero hindi naman nakaka-abala sa pagmamaneho.
DZXL558