IRR ng CREATE act, nilagdaan na ng DOF bago pa ang deadline nito sa July 10

Pormal nang nilagdaan ng Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) o mga panuntunan para sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Bago pa ito sa nakatakdang deadline na magaganap sa ika-10 ng Hulyo.

Sa inilabas na pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III , sinabi nito na layon ng paglagda na kilalanin ang mga negosyo na may malaking ambag para sa ekonomiya ng bansa.


Habang paliwanag naman ni Trade Secretary Ramon Lopez, makakatulong ito para mahikayat ang mas marami pang foreign investment na mag-alok ng maraming trabaho sa bansa na malaking tulong sa mga Pilipino.

Layon ng CREATE law na mabawasan ang mga corporate income taxes na unang nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso.

Facebook Comments