IRR ng disease surveillance law, i-aamiyenda ng pamahalaan, ayon kay Karlo Nograles

Isasailalim ng pamahalaan sa pag-amyenda ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas na nagre-require ng disease surveillance at reporting.

Nabatid na natanong kung ano ang magiging sanctions para sa mga taong hindi sumusunod sa mandatory na pagsusuot ng face shields sa pampublikong transportasyon at sa workplace.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, Department of Health (DOH) at ang Department of Justice (DOJ) ay sinimulan nang i-review ang IRR ng Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.


Sinabi ni Nograles na ang anumang parusa sa mga violator ay nakadepende sa ordinansa ng Local Government Units (LGU) o sa resulta ng IRR update ng Republic Act 11332.

Iginiit ni Nograles na hintayin na lamang ang revised IRR ng batas.

Ang pagsuot ng face mask at face shield at pagsunod sa physical distancing ay mababawasan ang hawaan lalo na sa closed settings tulad ng pampublikong transportasyon.

Sa ilalim ng batas, ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin mula 20,000 hanggang 50,000 pesos o pagkakakulong na hindi lalagpas ng anim na buwan.

Facebook Comments