Nakatakdang ilabas sa Labor Day, May 1 ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Expanded Maternity Leave o EML.
Ayon kay Labor Undersecretary Ana Dione, maliban sa EML, inaasahang pipirmahan din ni Secretary Silvestre Bello III ang inter-agency agreement na magwawasto ng mga polisiya para sa foreign workers permits application.
Aniya, nasa final stage of consultation sila at ipiprisinta nila ito sa Tripartite Industrial Council (TIPC) para sa approval.
Nitong Pebrero, pinirmahan ni Pangulong Duterte bilang batas ang Expanded Maternity Leave (EML) na magbibigay ng 105 araw na paid leave sa lahat ng mga nagtatrabahong ina at dagdag na 15 araw para sa mga solo mothers.
Facebook Comments