Manila, Philippines – Pinirmahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) at stakeholders ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11210 o Expanded Maternity Leave Law.
Ang IRR ay magiging epektibo ng 15 araw matapos itong maitlathala sa mga pahayagan.
Sa ilalim ng batas, dinagdagan ang bilang ng araw ng paid maternity leave sa 105 araw mula sa dating 60 days para sa normal delivery at 78 araw para sa caesarian section.
Ang mga single mother naman ay mabibigyan ng karagdagang 15 araw na paid leave.
Sa mga nakunan o emergency termination of pregnancy ay mabibigyan ng 60-days maternity leave.
Mayroon namang option na 30-days extension na maternity leave pero without pay.
Sakop ng maternity leave law ang mga kababaihan sa pribado at pampublikong sektro, kabilang ang informal sector workers.
Ang mga employer na lalabag sa batas ay mahahap sa multang aabot sa 200,000 pesos at pagkakakulong ng hanggang anim na taon.