IRR ng MIF, mainam na sinuspinde upang ayusin bago ang full implementation ng batas

Ayon kay House Ways and Means Chairman at Albay 2nd Representative Joey Salceda, isang Executive discretion ang desisyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suspendihin ang pagpapatupad ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023.

Para kay Salceda, mainam na ginawa ang suspension para ayusin ang anumang nakikitang isyu sa IRR sa halip na gawin ito sa gitna ng full implementation ng MIF.

Bilang pinuno ng technical working group para sa pagbalangkas ng panukalang MIF ay handa si Salceda na magbigay ng payo sa Executive branch sa kanilang legislative intent.


Tiwala naman si Salceda na nasa tamang landas pa rin ang pamahalaan sa pagkamit ng layunin ng MIF sa pagtatapos ng taon.

Inaasahan din ni Salceda ang pagpasok sa bansa ng mga direktang pamumuhunan para sa development projects sa 2024 kapag naisabatas ang bagong Public-Private Partnership o PPP Code ngayong taon.

Facebook Comments