IRR ng Philippine HIV and Aids Policy Act, pirmado na

Pinirmahan na ng Department of Health (DOH) at iba pang concerned agencies ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11166 o Philippine HIV and Aids Policy Act.

Layunin ng batas na mas mabigyan ng kahalagahan ng pagtugon sa kaso ng HIV sa bansa.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – pagtutuunan ng pansin ang kapakanan ng people living with HIV sa paninigurong na hindi makararanas ang mga ito ng anumang diskriminasyon sa lipunan.


Isa pa sa pangunahing probisyon ng batas ay ang pagpayag sa mga menor de edad mula 15 hanggang 17-anyos na sumailalim sa HIV test kahit walang pahintulot ng nakatatanda o magulang.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang Philippine National Aids Council bilang overall in-charge sa pagpapatupad ng aids medium term plan.

Ang DOH ay bubuo ng mga programa na makakapagbigay ng accessible treatment at medication para sa people living with HIV at aids.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang gagawa ng care and support programs para sa mga ito.

Facebook Comments