Aprubado na ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Budget and Management (DBM) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng rice tariffication law.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nakabinbin na lamang ito sa legal department ng Department of Agriculture (DA).
Dagdag pa ni Panelo – ang IRR ay inaasahang lilikha ng rice industry roadmap para sa development ng sektor.
Nitong Pebrero, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11203 o nag-aalis ng limitasyon sa pag-aangkat ng bigas at sa halip ay magpapataw ng taripa para rito.
Facebook Comments