IRR ng universal health care law, pipirmahan na ngayong araw

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nakatakda nang lagdaan ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Universal Health Care Law.

Ayon kay Duque, mapipirmahan ang IRR ng Universal Health Care Law sa isang ceremonial signing sa isang hotel sa Pasay, alas-diyes ngayong umaga.

Hindi naman sumagot si Duque nang tanungin hinggil sa detalye ng IRR, pero nangako ang kalihim na ilalahad ang nilalaman nito upang malaman din ng publiko.


Sinabi pa ni Duque na ang IRR ay base sa serye ng kanilang mga konsultasyon sa iba’t ibang sektor sa buong bansa kung saan ilalathala sa mga pahayagan ang batas sa loob ng labing limang araw at magkakaron ng promulgasyon, hanggang sa tuluyan nang maipatupad.

Ang Republic Act 11223 ay layong magkaroon ng health care coverage ang lahat ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap at isa sa mga nilalaman ng batas ay maging miyembro ng PhilHealth ang bawat Pilipino maging ang mga serbisyong-pangkalusugan ay inaasahan na magiging libre na.

Facebook Comments