IRR ng work from home law, inilabas na ng DOLE

Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng work from home law.

Sa ilalim ng Republic Act 11165 o Telecommuting Act, pinapayagan ang mga manggagawa ng pribadong sektor na magtrabaho sa labas ng kanilang opisina sa pamamagitan ng telecommunication o computer.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – magiging epektibo ito 15 araw matapos itong mailathala sa pahayagan at sa website ng kagawaran.


Base sa IRR, ang employer ng isang pribadong sektor ay maaaring mag-alok ng telecommuting program sa mga empleyado nito sa voluntary basis o resulta ng collective bargaining.

Para sa epektibong pagpapatupad ng telecommuting program, ang employer at employee ay dapat tumalima sa mutually agreed policy o telecommuting agreement.

Nakapaloob sa IRR ang applicable code of conduct and performance evaluation and assessment; alternative workplace; use and cost of equipment; observance of data privacy at occupational safety and health.

Sa ilalim ng batas, lahat ng telecommuting employees ay mag-e-enjoy sa sumusunod na arrangements:

  • Matatanggap ng rate of pay, kabilang ang overtime at night shift differential at iba pang kaparehas na monetary benefits
  • Karapatan sa rest periods, regular holidays at special non-working days
  • Pantay na workload at performance standards gaya ng mga empleyadong pumapasok sa opisina
  • May access din sa training at career development opportunities
  • Sasailalim din sa kinakailangang training sa technical equipment, at sa characteristics at conditions ng telecommuting
  • Parehas ang collective rights sa mga empleyadong pumapasok sa opisina
Facebook Comments