IRR para sa Anti-Terrorism Law, tiniyak na walang malalabag na karapatan

Tiniyak ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang bubuuhing Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Anti-Terrorism Council para sa Anti-Terrorism Law ay walang malalabag na karapatan.

Ito ang tugon ng opisyal ng Malakanyang sa pag-alma ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC sa mga miyembro ng Makabayan Bloc.

Sa budget hearing ng Office of the President, iginiit ni Medialdea na wala pa namang indibidwal o grupo na maaaring tukuyin bilang terorista dahil wala pa namang nabubuong IRR para dito.


Sinisiguro naman ni Medialdea kay Zarate na walang lalabagin na karapatan at ibabatay sa umiiral na batas ang bubuuhing IRR na inasahang matatapos naman sa mga susunod na linggo.

Nilinaw rin ng Executive Secretary na hindi nila suportado ang red-tagging at terrorist-tagging laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments